![]()
Muling binatikos ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabiguang tiyakin ang kaligtasan ng publiko kasunod ng ikatlong shooting incident sa mga paaralan sa bansa.
Sinabi ni VP Sara na ang insidente sa Banga National High School sa South Cotabato ay patunay na nagpatuloy ang mga banta ng karahasan sa mga paaralan.
Iginiit ng Bise Presidente na ang sobrang pagbibigay-prayoridad ng administrasyon sa politika ay nagkokompromiso sa kapakanan ng mga kabataang estudyante.
Binigo aniya ng Marcos administration ang mga biktima at survivors ng South Cotabato tragedy habang marami pang bata ang nanganganib ang kaligtasan.
Binigyang-diin pa ng Bise Presidente na kailangan ng mas maayos na liderato upang bigyang proteksyon ang mga bata. | via Dang Samson-Garcia, ME Radio TV
Para sa iba pang mga balita, bisitahin ang https://dzme1530.ph/
#MERadioTV #DZMERadyoTV #1530khz