![]()
Hindi maaaring tanggihan ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang subpoena ng Impeachment Court para sa pagdinig ng kaso ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lead Prosecutor Gerville Luistro, ang right against self-incrimination ay hindi blanket privilege upang gamitin para tanggihan ang subpoena.
Ipinaliwanag ni Luistro na applicable lamang ang paggamit sa naturang karapatan kung may mga tanong na posibleng mag-incriminate sa testigo.
Umaasa ang kongresista na darating ang alkalde sa pagdinig dahil mahalaga ang kanyang magiging testimonya hinggil sa unexplained wealth ni VP Sara.
Idinagdag ni Luistro na ituturing nilang hostile witness ang alkalde kapag humarap sa korte.
