dzme1530.ph

STELL NG SB19, PUMASOK SA GYM BUSINESS

Loading

Pumasok sa gym business ang heavenly voice ng SB19 na si Stell.

Isa si Stell sa apat na co-founders ng Driven, ang gym na kabubukas lang sa E. Rodriguez Sr. Avenue, sa Quezon City.

Sinabi ng P-Pop idol na super excited siya sa kanyang bagong business venture at community sa labas ng SB19.

Noong nakaraang taon aniya ay nagustuhan niya ang pagwo-workout.

Inamin ni Stell na akala niya ay isa lamang libangan ang pag-dyim hanggang sa naging passion na at sa tingin niya ay magiging lifelong lifestyle na ito para sa kanya.

About The Author