dzme1530.ph

Loading

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang initial public offering ng (IPO) ng MYNT Inc., ang parent company ng GCash, na inaprubahan na ng Philippine Stock Exchange (PSE), ay maaaring higit pang makatulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na mapalawak ang kanilang market reach at mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.

Nitong Biyernes, Sept. 18, inaprubahan ng PSE ang listing application ng MYNT na sumasaklaw sa hanggang 8.03 billion primary at secondary shares, kabilang ang overallotment option na hanggang 1.2 billion na karagdagang secondary common shares.

Sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na ang mga kumpanyang gaya ng GCash at digital payments ay makatutulong talaga sa paglago ng MSMEs, dahil magiging madali na ang pagbebenta ng kanilang produkto lalo na sa e-commerce platforms.

Aniya, talagang isinusulong nila sa mga tao ang paggamit ng digital payments, lalo na sa Digital Economy Framework Agreement (DEFA).

Nakatakdang lagdaan ang DEFA sa 49th ASEAN Summit sa Nobyembre, at ito ang magiging kauna-unahang digital trade agreement na saklaw ang buong rehiyon at magpapadali sa cross-border payments, data flows, proteksyon sa intellectual property sa lahat ng ASEAN member states.

About The Author