![]()
Nagpakawala ang North Korea ng dalawang missiles sa kanilang eastern coast.
Ito ang ikalawang set of tests sa loob lamang ng mahigit isang linggo matapos akusahan ng Pyongyang ang US na pinalalala ang tensyon sa Korean Peninsula sa pamamagitan ng sunod-sunod na military drills.
Ayon sa Defense Ministry ng South Korea, tatlong oras pa lamang ang nakalipas matapos ilunsad ang short-range ballistic missile patungong East Sea kahapon, nagpakawala muli ang North Korea ng panibagong SRBM.
Iniulat naman ng Japanese public broadcaster na NHK na bumagsak ang projectile sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.
