![]()
Iginiit ni dating Senate President Franklin Drilon na walang legal na batayan ang pangamba na magkakaroon ng mistrial kung babaguhin ng Impeachment Court ang voting threshold para sa paggawad ng hatol kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Drilon na maaaring iapela ng senator-judge ang naunang ruling ni Presiding Officer Francis Chiz Escudero kaya’t hindi pa ito itinuturing na final o written in stone.
Nasa desisyon aniya ng mga senator-judges kung susundin ang opinyon ng tatlong retiradong Chief Justices na nagsabing maaaring ibatay sa mga senador na kwalipikadong bumoto ang two-thirds vote para sa conviction sa impeachment case.
Binigyang-diin pa ni Drilon na ang Senado ang may eksklusibong kapangyarihang magpasya sa impeachment case alinsunod sa Konstitusyon.
Maaari rin aniyang dalhin sa Korte Suprema ang usapin subalit maaaring magdesisyon ang mga mahistrado kung makikialam o hindi sa Senado. | via Dang Samson-Garcia, ME Radio TV
Para sa iba pang mga balita, bisitahin ang https://dzme1530.ph/
#MERadioTV #DZMERadyoTV #1530khz
