dzme1530.ph

MAS MALAWAK NA PAGKILOS UPANG MAPROTEKTAHAN ANG MGA BATA SA PAARALAN AT SA ONLINE PLATFORMS, IPINANAWAGAN

Loading

Nanawagan si Senador Pia Cayetano ng mas malawak na pagkilos upang maprotektahan ang mga bata sa paaralan at sa mga online platforms matapos ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
 
Ipinahayag ng senadora ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sa buong komunidad ng paaralan, habang nananalangin para sa agarang paggaling ng mga nasugatan.
 
Hinikayat din niya ang publiko na iwasan ang mga haka-haka habang isinasagawa ang imbestigasyon.
 
Binigyang-diin ni Cayetano na habang pinalalakas ang suporta sa mga bata sa tahanan, paaralan, at komunidad, kailangan din aniyang tutukan ang kanilang kaligtasan sa social media, messaging platforms, at gaming communities.
 
Ayon sa kanya, dapat managot ang mga online platform sa mabilis na pagtugon sa mga banta at pagkilos laban sa mga naghihikayat ng karahasan o nang-aabuso sa mga bata.
 
Idinagdag pa ni Cayetano na kailangang magkaisa ang buong bansa upang matiyak na ang bawat bata ay may lalapitan at may komunidad na handang magprotekta sa kanila—sa paaralan man o sa online na mundo.

About The Author