dzme1530.ph

SAPAT NA SUPPLY NG TUBIG SA HARAP NG BANTA NG STRONG EL NIÑO, TINIYAK NG NIA

Loading

Tiniyak ng National Irrigation Authority (NIA) na sapat ang irrigation water sa harap ng papalapit na El Niño.

Sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na sa katunayan ay mas gusto nila ng maaraw na panahon, kaya nagpapatupad sila ng double dry cropping.

Idinagdag ni Guillen na ang ginagawa ngayon na double cropping ng NIA ay dinadala nila ang kanilang cropping sa parteng Oktubre, mag-aani ng Enero, magtatanim ulit sa Marso, saka aani ulit sa Hunyo.

Aniya, iba ang sistemang ito mula sa dating wet at dry cropping calendar, kung saan nagsisimula ang pagtatanim tuwing Nobyembre o Disyembre, habang ang anihan ay sa Marso, at muling magtatanim sa Hulyo.

Batay sa pahayag ng PAGASA, inihayag ng NIA Administrator na inaasahang mararamdaman ang epekto ng strong El Niño sa huling quarter ng taon, sa pagitan ng Oktubre at Disyembre, at iiral ito hanggang sa second quarter ng 2027.

About The Author