dzme1530.ph

EUMIR MARCIAL, HINDI MAKAPAGLALARO SA 2026 ASIAN GAMES MATAPOS ANG KNOCKOUT-WIN SA PROFESSIONAL BOUT

Loading

Hindi makapaglalaro si Eumir Marcial sa 2026 Asian Games, ayon kay Association of Boxing Alliances of the Philippines President Marcus Manalo.
 
Inilabas ang desisyon, ilang oras matapos maitala ni Marcial ang third-round knockout laban kay Omar Huerte sa kanyang professional bout.
 
Ipinaliwanag ni Manalo na mahihirapan ang Filipino boxer para sa agarang transition mula sa isang professional fight sa US, patungo sa mahabang biyahe sa Nagoya, Japan na may 16-hour time difference.
 
Idinagdag ni Manalo na physically demanding at inherently risky sport ang boxing, at napakahalaga aniya ng sapat na oras at pahinga para makarecover ang Pinoy boxer.
 
Nasungkit ni Marcial ang silver medal sa lightweight division noong 2022 Asian Games sa Hangzhou habang bronze sa middleweight class sa 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang.

About The Author