![]()
Ilang mga driver ng public utility vehicle sa Quezon City ang nagpaplano nang bumalik sa mga lalawigan upang makapaghanap ng ibang pagkakakitaan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ay kasunod ng panibagong big-time price increase sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East na nakakaapekto sa global petroleum market.
Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, marami na ang mga tsuper ang nagnanais na magsaka na lamang sa mga lalawigan sa halip na mamasada.
Patuloy naman ang kanilang apela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan na ang pisong dagdag sa pasahe sa public utility jeepney na una nang sinuspinde.
Isinusulong din nila ang nationwide implementation ng 12 pesos na per liter discount para sa mga PUV.
