![]()
Inaasahan ang pagbabalik ni Filipina tennis sensation Alex Eala sa Hong Kong Tennis Open.
Gaganapin ang tournament na isang WTA 250 event, sa Nov. 2 hanggang 8.
Kabilang sa mga makakasama ni Eala sina Paula Badosa, Wang Xinyu, at Diana Shnaider.
Noong nakaraang taon ay umabot ang 21-year-old Pinay tennis star sa Round of 16 bago kinapos kay Victoria Mboko.
Bago bumalik sa Hong Kong, sisimulan ni Eala ang Asian swing sa susunod na linggo sa Singapore Open bago dumiretso sa Asian Games para katawanin ang Pilipinas.
