![]()
Panibagong international recognition ang nadagdag sa humahabang listahan ng achievements ng BINI matapos makatanggap ng nominasyon sa BreakTudo Awards 2026 sa Brazil.
Nominated ang Nations Girl Group para sa International Women’s Group, kung saan makakatunggali nila ang BabyMonster, BLACKPINK, FLO, ILLIT, ITZY, KATSEYE, at TWICE.
Nakakuha rin ng nominasyon ang “Sweet Tooth” ng BINI para sa International Music Video, kung saan kabilang ang entries mula sa ENHYPEN, LISA, BLACKPINK, Ariana Grande, BE, Lady Gaga and Doechii, at Katy Perry.
Samantala, ang fans ng BINI na “Blooms” ay nominated for International Fandom of the Year, kasama ang A’TIN ng SB19, ARMYs ng BTS, BESTY ng BE, BLINKS ng BLACKPINK, ENGENEs ng ENHYPEN, FREENBECKY Fans, at Swifties ni Taylor Swift.
Ang voting para sa awards ngayong taon ay binuksan kahapon hanggang sa Oct. 17, sa pamamagitan ng official BreakTudo Awards voting website.
