dzme1530.ph

PASOK SA GOBYERNO SA SEP. 28, SINUSPINDE NG MALAKANYANG SIMULA ALA UNA NG HAPON PARA SA NATIONAL FAMILY WEEK

Loading

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa gobyerno sa Sep. 28, simula ala-una ng hapon para gunitain ang 34th National Family Week.
 
Alinsunod ito sa Proclamation 60, Series of 1992, kung saan idineklara ang huling linggo ng Setyembre ng kada taon bilang Family Week.
 
Pagtalima rin ito sa Proclamation 326, Series of 2012, kung saan idineklara ang ika-apat ng Lunes tuwing buwan ng Setyembre bilang “Kainang Pamilya Mahalaga Day.”
 
Hinikayat din ng Palasyo ang government workers sa executive branch na suportahan ang mga aktibidad na may kaugnayan sa National Family Week.

About The Author