dzme1530.ph

AGARANG PAGSASABATAS NG ANTI-POLITICAL DYNASTY, IPINANAWAGAN

Loading

Umapela si Senator JV Ejercito para sa agad nang pagsasabatas ng pagbabawal sa political dynasty.
 
Sinabi ni Ejercito na mahigit 100 milyon na ang mga Filipino at maraming may gusto at may kakayahan na mamuno sa gobyerno kaya hindi ito dapat malimitahan sa mga kasapi ng political dynasty o magkakaanak.
 
Dahil dito, panahon na aniyang ipagbawal ang political dynasty at napatunayan na ito sa Sangguniang Kabataan.
 
Matatandaang si Ejercito ang nagsulong na maisama sa binabalangkas na panukala ang pagbabawal sa mga kaanak ng nanunungkulan na sa national at local officials na pumasok sa Sangguniang Kabataan.
 
Aminado naman ang senador na benepisyuhan din siya ng pagiging political dynasty nung pumasok sa pulitika pero idiniin na kabilang siya sa naghain ng anti-political dynasty bill nung siya ay naging kongresista hanggang maging senador.

About The Author