![]()
MASAYA ang dalawang senador na kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang makita ang personal na pagharap nito sa status conference ng International Criminal Court.
Sinabi ni Senador Robinhood Padilla na napaluha siya nang makita sa telebisyon ang dating Pangulo na sa unang pagkakataon ay nakita ng publiko matapos ang mahigit isang taon.
Idinagdag ni Padilla na nabigla siya nang makita ang dating lider ng bansa pero binalot siya rin siya ng kalungkutan dahil alam niyang bagama’t malakas ang loob nito ay hindi na kakayanin ng katawan ng 81 years ang buhay sa kulungan.
Hindi aniya siya tiyak kung kakayanin pa ng dating Pangulo na matagalan ang paglilitis sa kanyang kaso.
Sinabi naman ni Senador Christopher Bong Go na masaya siyang muling makita si Duterte kahit sa litrato at telebisyon ngunit nalungkot din siya at nanikip ang kanyang dibdib.
Hindi aniya niya mapigilan ang mapaluha dahil higit pa sa tunay na tatay ang turing niya sa dating Pangulo.
Kapansin-pansin ang kanyang pagtanda ng dating lider ng bansa na marahil ay dulot ng matinding kalungkutan sa pagkahiwalay sa minamahal niyang bayan.
