dzme1530.ph

MALAKIHANG TAAS-PRESYO NA HANGGANG P11 SA DIESEL HABANG P5 SA GASOLINA, NAMUMURO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Panibagong big-time oil price hike ang nakaamba bunsod ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
 
Ayon sa oil industry sources, posibleng madagdagan ng ₱10.50 hanggang ₱11 per liter ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
 
Tinaya naman sa ₱4.50 hanggang ₱5 per liter ang itataas sa gasolina.
 
Sa nakalipas na dalawang linggo ay tumaas ng sampung piso kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.

About The Author