dzme1530.ph

FIJI, NAGDEKLARA NG HIV EMERGENCY; ISA SA BAWAT 60 KATAO, MAYROON NG VIRUS

Loading

Idineklara ng Fiji ang national HIV emergency sa gitna ng tumataas na kaso ng virus, na bahagyang dulot ng lumalaking problema sa methamphetamine.

Isa sa bawat 60 adults sa naturang Pacific nation na mayroong lamang maliit na populasyon na hindi aabot sa isang milyon, ang tinatayang ngayon na mayroong human immunodeficiency virus (HIV).

Unang nagdeklara ang Fiji ng outbreak ng virus noong January 2025, at pinaigting ang testing kung saan nabunyag ang tunay na antas ng lumalalang krisis sa pampublikong kalusugan.

Sa pagdedeklara ng emergency, sinabi ng Health Ministry na mayroong 2,016 new diagnoses ng HIV noong 2025, at tinawag itong senyales ng seryosong epidemya at ng urgent at coordinated response na kailangan ngayon ng kanilang bansa.

About The Author