dzme1530.ph

MANILA CONCERT NI BIC RUNGA, KANSELADO

Loading

Kinansela ang Manila concert ng Kiwi singer na si Bic Runga na orihinal na itinakda sa Oktubre.
 
Inanunsyo ng Midas Promotion sa Facebook post na hindi matutuloy ang October 1, 2026 show ni Bic “due to unforeseen circumstances.”
 
Kasabay nito ay humingi ng paumanhin ang events promoter para sa anumang abala na maaaring maging bunga ng kanselasyon sa mga nag-abang sa concert.
 
Ayon sa Midas, iaanunsyo ng SM Tickets ang detalye sa ticket refunds.
 
1997 nang i-release ni Bic ang kanyang debut album na “Drive” na nagpasikat sa kanyang hit single na “Sway.”
 

About The Author