dzme1530.ph

PAGTALAKAY SA PANUKALANG 2027 BUDGET NG DICT, IPINAGPALIBAN NG KAMARA DAHIL SA MGA ISYU SA META

Loading

Ipinagpaliban ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang budget ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Ito ay sa gitna ng pagsusulong ng mga kongresista para sa mas mabigat na parusa sa Meta dahil sa online safety, digital scams at platform accountability.

Binigyang-diin ni PHILRECA Party-list Rep. Presley De Jesus ang mga panganib na dulot ng mga online content, child safety concerns at misinformation dahil sa mga violent incidents.

Ipinaliwanag naman ni Rep. Brian Poe Llamanzares, sponsor ng panukalang budget ng DICT, nagtungo na ang mga opisyal ng DICT sa Singapore para konsultahin ang Meta.

Bukod dito, isinusulong din ang memorandum of agreement upang masolusyunan na ang mga inilulutang na isyu sa digital platform.

About The Author