dzme1530.ph

ISA PANG PASSENGER VESSEL, SUMADSAD SA OCCIDENTAL MINDORO; 80 PASAHERO, LIGTAS

Loading

Nakaligtas ang walumpung pasahero makaraang sumadsad ang isang passenger roll-on-roll-off o RORO vessel sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

Nagdulot din ito ng panic sa mga pasahero dahil naganap ang insidente isang linggo matapos masunog ang MV June Aster sa Coron, Palawan na ikinasawi ng 77 katao.

Ayon kay Geoffrey Panganiban, head ng Abra de Ilog Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, rumesponde sila sa ulat sa pagsadsad ng ROROMASTER 5 malapit sa Sitio Sigman sa Barangay Udalo.

Lulan ng passenger vessel ang may 80 pasahero at 24 na rolling cargoes o mga sasakyan.

Galing Batangas Port ang ROROMASTER 5 at malapit na sa Abra de Ilog Port nang maganap ang aksidente.

About The Author