dzme1530.ph

PRESENSYA NI DATING PANGULONG DUTERTE SA STATUS CONFERENCE SA ICC, KATUNAYAN NA MAY KAKAYAHAN SIYANG DUMALO SA PAGLILITIS

Loading

Pinatunayan ng presensya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court status conference na fit itong sumalang sa paglilitis ng kanyang kaso.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Neri Colmenares, legal counsel ng mga umano’y drug war victims.

Sinabi ni Colmenares na lumakas ang loob ng ilan niyang mga kliyente matapos makita ang dating pangulo sa status conference.

Dahil dito, hindi anya maaaring sabihin na hindi fit for trial ang dating punong ehekutibo dahil sa pagiging malilimutin.

Makikita anya sa presensya ni Duterte na mismong siya ay nagnanais na marinig nang personal ang pagdinig sa kanyang kaso.

About The Author