dzme1530.ph

D-A, PINAG-AARALANG ITAKDA SA 210 PESOS PER KILO ANG FLOOR PRICE SA BABOY

Loading

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang panukala na itakda sa 210 pesos per kilo ang floor price para sa buhay na baboy.
 
Ito ay upang matulungan ang mga magba-baboy na makaagapay sa bumabagsak na farmgate prices.
 
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hihilingin nila sa industry buyers na i-adopt ang floor price.
 
Kasabay ito ng pagbibigay-diin na walang legal authority ang D-A para magpatupad ng kahalintulad na polisiya.
 
Sa National Swine Summit noong nakaraang linggo, pinuna ng hog industry stakeholders ang pagbaba ng farmgate prices ng buhay na baboy na nasa pagitan ng 120 hanggang 150 pesos per kilo, masyadong malayo sa karaniwang breakeven threshold para sa hog raisers.

About The Author