![]()
Nanindigan si dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na 2/3 vote ng kabuuang 24 senador ang kailangan para sa conviction sa impeachment trial.
Kasabay nito, nagbabala pa si Azcuna laban sa pagbababa ng bilang ng boto sa simple majority.
Sa pagharap sa Impeachment Court bilang amici curiae o friends of the court, binigyang-diin ni Azcuna ang probisyon sa Konstitusyon na nagsasaad na ang voting conviction ay tumutukoy sa lahat ng mga miyembro ng Senado.
Sinabi ni Azcuna na habang nananatiling miyembro ng Senado ay dapat isama sila sa denominator sa computation ng threshold na 2/3.
Ipinaliwanag pa ni Azcuna na dahil ang impeachment process ay hindi lamang para sa pagpapatalsik sa isang opisyal kundi para rin sa accountability kaya’t nararapat na dapat mas maging mataas na threshold.
Idinagdag pa ng dating mahistrado na nangangamba rin ang ilang framers ng impeachment clause sa Konstitusyon na magamit ng legislative majority ang impeachment upang magtanggal ng kalaban sa pulitika o ng opisyal na hindi pinapaboran ang partido.
Nanindigan si Azcuna na ang threshold ay dapat na fixed at hindi variable na dapat ay tinutukoy na sa simula pa lamang.
Hindi anya ito usapin na dapat binabago depende sa kung ilan ang dumadalo sa impeachment trial
