dzme1530.ph

GASTOS SA DIGMAAN SA IRAN, LUMOBO NA SA 38 BILLION DOLLARS; INAASAHANG TATAAS PA NG 3 BILLION DOLLARS KADA BUWAN

Loading

Gastos sa digmaan sa Iran, lumobo na sa 38 billion dollars; inaasahang tataas pa ng 3 billion dollars kada buwan

Umabot na sa 38 billion dollars ang gastos sa anim na buwang digmaan sa pagitan ng US at Iran at inaasahang lolobo pa ito ng 3 billion dollars kada buwan.

Ito ang iniulat ng nonpartisan bookkeeper ng US Congress, sa gitna ng paghahanap ng paraan ng Trump administration upang matuldukan na ang giyera at mabuksan muli ang Strait of Hormuz.

Inaasahang tataas ang inflation ng 0.5% dahil sa epekto ng digmaan sa unang tatlong buwan ng 2027, ayon sa Congressional Budget Office accounting.

Ang lumalaking gastos ay nagdulot ng kakulangan sa US munitions stockpiles at nagpa­taas sa energy prices, dahilan para ikabahala ang kakayahan ng bansa na tumugon sa iba pang posibleng kaguluhan at dagdag na pressure sa gipit ng federal budget.

About The Author