dzme1530.ph

PVL AT SPIKERS’ TURF, NAGSANIB PWERSA PARA SA 10TH YEAR ANNIVERSARY NG PHILIPPINE VOLLEYBAL

Loading

Nakatakdang ipagdiwang ng Premier Volleyball League (PVL) at Spikers’ Turf ang isang dekada ng Philippine volleyball, sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa para sa kanilang 10th anniversary milestone.

Bawat liga ay magbubukas ng bagong season sa October 10 sa SM Seaside Cebu Arena, kung saan alok ng PVL ang All-Filipino Conference habang Invitational Conference naman ang sa Spikers’ Turf.

Ang kakaiba sa taon na ito ay ang unified schedule ng PVL at Spikers’ Turf, para bigyang-daan ang pagpo-promote ng kani-kanilang tournaments nang magkasabay.

Isasagawa ng dalawang liga ang kani-kanilang tournaments sa ilalim ng one match-day, kung saan ang Spikers’ Turf ay mayroong isang laro sa pagitan ng dalawang PVL matches kada araw.

About The Author