![]()
Humina sa ikalawang sunod na trading day ang halaga ng piso, matapos maitala ang panibagong record low, sa gitna ng nagpapatuloy na geopolitical tensions sa Middle East.
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱62.86 per US dollar, malapit sa naitalang intraday low na ₱62.875 per US dollar.
Kumpara ito sa palitan noong Biyernes na ₱62.68 per US dollar na dating record low.
Ayon sa isang trader, malinaw na malapit nang maabot ang ₱63, at nananatiling under pressure ang piso mula sa matatag na dolyar, mataas na oil prices, at patuloy na local demand para sa dollars.
