![]()
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang “Code White” alert kaugnay sa pagdaraos ng unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections ngayong Lunes.
Sinabi ng DOH na naka-standby ang kanilang central office, Centers for Health Development, at mga ospital sa BARMM para magbigay ng kinakailangang medical assistance at pagtugon sa health emergencies.
Bago magsimula ang makasaysayang halalan ay iniulat ng Comelec ang mga insidente ng pagsabog at pamamaril sa Cotabato City, kung saan tatlong indibidwal ang nasawi habang labinlimang iba pa ang nasugatan.
Mananatiling bukas ang mga polling precinct hanggang mamayang ala-siyete ng gabi matapos magsimula ang botohan kaninang alas-singko ng umaga.
