dzme1530.ph

BELA PADILLA, KINUMPIRMA ANG RELASYON SA ISANG TECH CEO

Loading

Tinuldukan na ni Bela Padilla ang mga espekulasyon matapos kumpirmahin na in a relationship siya sa tech entrepreneur at CEO na si Martin Tan.

Sa interview ng content creator na si Johnny K para sa kanyang reel series na “Meet Cute with Johnny K,” ibinunyag ng aktres na walong buwan na silang may relasyon ni Martin.

Namimili ang dalawa sa Legazpi Sunday Market sa Makati City nang lapitan sila ni Johnny K at tinanong kung “sila ba?”

Nag-yes naman si Bela, sabay ngiti.

Sinabi ni Martin na nagkakilala sila ni Bela sa pamamagitan ng isang common friend.

Idinagdag ng aktres na agad silang nag-click dahil pareho silang mahilig sa pelikula.

About The Author