![]()
Kabuuang pitong libong tauhan ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office para sa security measures sa gitna ng dalawang araw na transport strike.
Kabilang sa ideploy ang 11 drone operators na nagmomonitor sa protest action; 302 personnel ng Reactionary Standby Support Force at 491 personnel mula sa Civil Disturbance Management habang 1,306 ang standby force.
Samantala, may 126 police officer din na ideploy para sa traffic assistance sa gitna ng strike.
Nagpakalat din ng 457 personnel sa mga checkpoint operations at 355 sa border control points.
Nagtalaga rin ng 1,542 personnel para sa foot patrols; 1,344 sa mobile patrols at 1,068 sa motorcycle patrols habang 635 na tauhan para sa fixed visibility posts.
