![]()
Iniimbestigahan ng French authorities kung pananabotahe ang dahilan ng pagkadiskaril ng tren na sumugat sa apatnapu’t apat na pasahero sa Normandy, matapos matagpuan ang isang piraso ng riles sa mismong daanan.
Ayon sa report, lulan ng regional train ang 186 passengers mula Rouen patungong Caen nang madiskaril ito sa Cléon, sa Seine-Maritime Department ng northwestern France.
Isang disi-otso anyos na babae ang kabilang sa mga nasugatan at inilipad ng helicopter patungong Rouen University Hospital para malapatan ng lunas.
Kabilang sa mga nagdaang rail disaster sa France ay nangyari noong July 2013 sa katimugan ng Paris na ikinasawi ng pitong indibidwal.
Nov. 2015 naman nang isang high-speed TGV train na nagsasagawa ng tests ang nadiskaril sa Eckwersheim, malapit sa Strasbourg, na ikinasawi ng labing-isang katao.
