dzme1530.ph

MAYORYA NG MGA PINOY, NANINIWALANG GOOD JOB ANG PERFORMANCE NG KANILANG MGA KONGRESISTA

Loading

Mayorya ng mga Pinoy ang naniniwala na good job ang kanilang mga district representative sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa House of Representatives.

Ito ay batay sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research kung saan 64 percent ng mga Pinoy ang nagsabing maayos ang trabaho ng kanilang mga kongresista.

Tinukoy naman ng OCTA Research na malinaw na inihihiwalay ng mga respondents ang kanilang kongresista sa trabaho ng Kongreso sa kabuuan.

Ito ay makaraang lumitaw na 38 percent ang nagsabing may tiwala sa House of Representatives habang 37 percent ang nagsabing maayos ang performance ng Kongreso sa kabuuan.

Gayunman, 27 percent ng mga respondents ang nagsabing hindi maganda ang trabaho ng kanilang kongresista.

About The Author