dzme1530.ph

HEIGHTENED SECURITY MEASURES, IPINATUTUPAD SA UNANG PARLIAMENTARY ELECTIONS SA BARMM

Loading

Heightened security measures ang ipinapatupad ngayon ng mga awtoridad sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
 
Mas mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa Cotabato City kasunod ng karahasan bago ang halalan.
 
Nagpakalat na rin ng mga tauhan ng pulis sa iba’t ibang voting centers.
 
Bilang bahagi rin ng proseso, hiningan muna ang mga guro ng kanilang appointment papers bago i-release sa kanila ang election materials upang matiyak na sila ang authorized personnel na tatanggap ng balota at iba pang paraphernalia.
 
One-entrance, one-exit scheme din ang ipinapatupad ng mga awtoridad sa mga voting center upang maiwasan ang komprontasyon sa pagitan ng mga taga-suporta ng iba’t ibang kandidato.

About The Author