dzme1530.ph

PBBM, WALANG MAGAGAWA SA GALIT SA KANYA NI VP SARA

Loading

Nag-react si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga sinabi ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya.

Sinabi ng Pangulo na narinig niya ang tungkol sa mga pahayag ni VP Sara at wala talaga siyang maisagot dito.

Aniya, masyadong galit ang Bise Presidente dahil marahil sa mga nangyayari rito at nakatuon ang galit nito sa kanya.

Gayunman, inihayag ni Marcos na ano ang kanyang magagawa?, kasabay ng pagsasabing “You cannot force anyone to love you.”

Noong Biyernes ay nanawagan si Duterte kay Pangulong Marcos na mag-resign, sa isang rally sa Quezon City, matapos ipagpaliban ang kanyang arraignment sa kasong grave threats.

About The Author