dzme1530.ph

MEDICAL EXAMINATION REPORT NI FORMER SPEAKER ROMUALDEZ, ISINUMITE NA NG PGH SA SANDIGANBAYAN

Loading

Isinumite na ng Philippine General Hospital (PGH) sa Sandiganbayan kahapon ang medical examination report ni dating House Speaker Martin Romualdez, na nahaharap sa non-bailable case na plunder.

Nakasad umano sa report ang rekomendasyon kung mananatiling naka-confine sa ospital si Romualdez o ikulong ito sa New Quezon City Jail sa Payatas, kasama ang iba pang detainees.

Hindi humarap sa media si PGH Spokesperson, Dr. Jonas del Rosario para ipaliwanag ang nilalaman ng independent examination na isinagawa ng kanilang team of specialists.

Inaasahang tetestigo ngayong Lunes si PGH Director Dr. Gerardo Legaspi o isang authorized representative sa hearing ng Sandiganbayan Third Division, para sa findings at kung mayroon pangangailangan na i-extend ang pananatili ni Romualdez sa ospital.

About The Author