![]()
Anim katao ang nasawi habang isandaan at pito ang nailigtas mula sa nasirang Indonesian ferry sa Java Sea, ayon sa search and rescue agency sa Indonesia.
Sinabi ng ahensya na naglunsad ng search and rescue operation matapos mawalan ng contact sa Virgo Transport 8 ship, na may lulang dalawandaan apatnapu’t tatlong pasahero, sa gitna ng masamang panahon.
Nagpapatuloy pa ang paghahanap sa iba pang mga nawawalang pasahero.
Nagsanib-puwersa na ang Search and Rescue Agency, Navy, Maritime Police, at iba pang parties para sa rescue effort.
Nag-deploy din ng mga barko at helicopter sa lugar na may 280 personnel na tumutulong sa rescue operation.
