![]()
May mga tao na mas kilala ang mataas na blood pressure, ngunit paalala ng mga eksperto na ang masyadong mababang presyon ng dugo o low blood pressure ay maaari ring magdulot ng seryosong suliranin sa kalusugan.
Ayon sa mga doktor, ang low blood pressure ay karaniwang tinutukoy kapag ang blood pressure ay nasa 90/60 mmHg (millimeters of mercury) o mas mababa, lalo na kung may kasabay na pagkahilo, panlalabo ng paningin, panghihina, o pagkahimatay.
Maaaring maidulot ito ng dehydration, kakulangan sa nutrisyon, ilang uri ng gamot, o mga kondisyong nakaaapekto sa puso at hormones.
Pinapayuhan ang mga nakararanas ng biglaang pagbaba ng blood pressure na humiga at itaas nang bahagya ang mga paa, uminom ng sapat na tubig kung hindi bawal, at dahan-dahang tumayo upang maiwasan ang pagkahilo.
Paalala rin ng mga eksperto na kung paulit-ulit ang mga sintomas o may kasabay na pagkawala ng malay, hirap sa paghinga, o matinding pananakit ng dibdib, mahalagang magpatingin agad sa pinakamalapit na ospital dahil maaari itong maging senyales ng isang medical emergency.
