![]()
Pumalo sa panibagong record ang utang panlabas ng pamahalaan at private sector, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa report ng central bank, umakyat sa 154.932 billion dollars ang debt stock noong ikalawang quarter.
Mas mataas ito ng 5.14% kumpara sa 147.35 billion dollars na naitala noong first quarter.
Sinabi ng BSP na ang pagtaas ng external debt ay dulot ng net borrowing ng national government at private domestic bank.
Ang second-quarter total ay katumbas ng 31.6% ng gross domestic product, na lagpas ng 30% na naitala noong katapusan ng Marso.
