dzme1530.ph

ALBERT IAN DELOS SANTOS AT AIRA VILLEGAS, FLAG BEARERS NG PILIPINAS PARA SA ASIAN GAMES

Loading

Magsisilbing flag bearers ng Pilipinas sina Olympic boxing bronze medalist Aira Villegas at weightlifter Albert Delos Santos sa opening ceremony ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Pinangalanan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang dalawa sa send-off ceremony sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Ipinaliwanag ni Tolentino na may iba’t ibang factors sa likod ng desisyon sa pagpili ng flag bearers ng bansa para sa Asian Games opening ceremony.

Sinabi ng POC Presidente na may laro ang ibang atleta kaya hindi maaaring mapagod at mayroon ding mga nasa Tokyo at malayo sa venue.

Idinagdag ni Tolentino na si Pinay tennis superstar Alex Eala sana ang ikinu-konsidera nilang isa sa mga maging flag bearers ulit, subalit manggagaling ito diretso mula sa Singapore Open kaya kailangan nitong magpahinga.

About The Author