dzme1530.ph

COMELEC, ALL SYSTEMS GO NA SA KAUNA-UNAHANG PARLIAMENTARY ELECTIONS SA BARMM

Loading

All systems go na ang Commission on Elections para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections, sa Lunes.

Dumating na rin sa Cotabato City si Comelec Chairman George Erwin Garcia ngayong Biyernes at nakatakdang makipagpulong sa mga lokal na opisyal ng Bangsamoro, sa pulisya at sa iba pang election stakeholders.

Mamayáng hapon ay lalagda ang Comelec ng memorandum of agreement sa Independent Election Monitoring Center at sa Integrated Bar of the Philippines para sa pagtiyak ng peaceful, orderly, transparent at credible elections.

Inaasahan din ang pagdating ng mga international observers na magbabantay sa halalan.

Sa Sabado ay isasagawa ang final testing at sealing ng mga automated counting machines sa 1,186 schools na magsisilbing voting centers.

About The Author