dzme1530.ph

MARINA, INIIMBESTIGAHAN NA ANG NASUNOG NA PAMPASAHERONG BARKO SA CORON, PALAWAN

Loading

Iniimbestigahan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang nangyaring sunog sa isang pampasaherong barko habang nasa gitna ng karagatan sa Coron, Palawan.

Sinabi ng MARINA na naka-deploy na ang investigation team, kasabay ng pagtiyak na tutulungan ang apatnapu’t tatlong nakaligtas sa trahedya.

Ayon sa ahensya, agad nag-mobilize ng team mula sa MARINA Regional Office 4 upang aktibong makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at magbigay ng assistance sa mga survivor.

Dakong 6:45 ng gabi noong Miyerkules nang sumiklab ang apoy sa MV June Aster sa bisinidad ng Barangay Marcilla, sa Coron, Palawan.

Batay sa pinakahuling tala, lima ang kumpirmadong patay habang mahigit walumpu ang nawawala sa naturang trahedya sa karagatan.

About The Author