![]()
Ilang lungsod sa Metro Manila ang nagsuspinde ng klase ngayong Biyernes bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Valenzuela, Quezon City, Caloocan, Navotas, at Malabon.
Magpapatupad naman ang mga paaralan ng alternative delivery mode of learning upang magpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
