dzme1530.ph

MAHIGIT 12,000 NA MAGSASAKA, MAKIKINABANG SA 34.1-MILLION DOLLAR GRANT NG US PARA SA INDUSTRIYA NG UBE SA BANSA

Loading

Welcome sa Department of Agriculture (DA) ang 34.1-million dollar grant mula sa Estados Unidos para sa pagpapaunlad ng industriya ng ube sa Pilipinas, na inaasahang pakikinabangan ng mahigit 12,500 na magsasaka sa buong bansa.

Sa statement, sinabi ng DA na ang US grant ay isang five-year funded program na ang layunin ay palakasin ang partisipasyon ng Pilipinas sa international food and beverage supply chain.

Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na sa pamamagitan ng pagpapalakas sa buong value chain, magiging mas competitive agricultural product ang ube habang isinusulong ang inclusive growth sa rural communities.

Ang naturang funding na inanunsyo ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton ay in-award sa pamamagitan ng Food for Progress Program ng US Department of Agriculture.

About The Author