![]()
Tinanggihan ng Department of Foreign Affairs ang panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tanggalin sa ahensya ang pag-iisyu ng visa sa alegasyong ginagawa itong negosyo.
Ayon sa DFA, ang pahayag ni Remulla ay nakakaapekto sa institutional integrity ng ahensya at maituturing na hindi makatarungan para sa reputasyon ng Philippine Foreign Service at mga tauhan nito.
Ipinaliwanag din ng ahensya na ang mga kinokolektang visa fee ay alinsunod sa mga batas at regulasyon.
Tiniyak din ng DFA na hindi nila kinukunsinti ang anumang isyu ng katiwalian at ipinapatupad ang accountability, transparency at utmost professionalism sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
