dzme1530.ph

DOTR, NAGLABAS NG EMERGENCY HOTLINES PARA SA UNDAS 2026

Loading

Naglabas ng emergency hotlines ang Department of Transportation para sa mga pasaherong mangangailangan ng tulong sa kanilang biyahe para sa Undas.
 
Kabilang sa mga inilabas na hotlines ang DOTr Commuter Hotline No. 0920-9643687.
 
Sa advisory sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026 campaign, layon ng hotlines na agad maasistehan ang mga pasaherong bumibiyahe patungong bus terminals, seaports, airports at train stations.
 
Hinihimok din ng ahensya ang publiko na agad kumontak sa mga hotline number para sa kanilang inquiries at pagre-report ng anumang concern.

About The Author