![]()
Lima katao ang naiulat na nasawi habang apatnapu’t dalawang iba pa ang nasagip matapos masunog sa gitna ng karagatan sa Coron, Palawan ang isang pampasaherong barko na may lulang mahigit isandaang pasahero mula sa Maynila.
Ito, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jane Gesulgon, District Commander sa Palawan.
Inihayag ng PCG na galing ang commercial vessel na MV Jun Aster mula sa Baseco Area sa Maynila at patungong Coron nang tupukin ng apoy, dakong 6:45 kagabi.
Batay sa manifesto, 117 na mga pasahero at labimpitong crew ang sakay ng barko.
Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.