![]()
Pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 629 bilang pagpupugay sa sampung natatanging Pilipino na binubuo ng apat na guro, tatlong sundalo, at tatlong pulis.
Pinuri ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, sponsor ng resolusyon, ang mga awardee sa kanilang dedikasyon at mahalagang ambag sa mga komunidad.
Ang mga ito ay awardee ng Metrobank Foundation dahil sa kanilang kapuri-puring kontribusyon.
Kabilang sa mga guro sina Emmanuel Guarde, Sheila Marie Amigo, Cecilia Bucayong, at Jefferson Hora.
Kinilala rin bilang natatanging sundalo sina Staff Sergeant Joebelle Cerdinio, Staff Sergeant John Daren Pnoche, at Lieutenant Colonel Rommel Geli.
Kabilang naman sa mga pulis sina Police Master Sergeant Dwight Alexis Supsupin, Police Major Baby Rose Cajulao, at Police Lieutenant Colonel Robert Mansueto.
Itinatag noong 1985, kinikilala ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos Program ang mga indibidwal na higit sa tungkulin ang paglilingkod.
Sa kabuuan, 735 Pilipino na ang kinilala ng programa na binubuo ng 392 guro, 178 sundalo, at 165 pulis.
