![]()
BLANGKO ang ilang senador sa paglabas ng bansa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kagabi
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III na hindi naman obligado ang mga senador na humingi ng permiso sa Senado sa paglabas ng bansa kung personal ang biyahe nito
Maging si Senator Erwin Tulfo ay nagsabi na wala siyang alam ukol sa paglabas ng bansa ni Cayetano.
Maari anyang tanungin si Senate President Sherwin Gatchalian dahil kapag anya siya lumalabas ng bansa kahit pa personal na biyahe ay itinitimbre nya ito sa lider ng senado
Kagabi ay nakita na sumakay sa isang flight patungong Singapore si Cayetano.
May impormasyon na lumabas na may naka-encode sa Bureau of Immigration na nagpapakita na nakabook si Cayetano sa flight patungong Abu Dhabi.
Una na ring lumutang ang balita na maaaring makasuhan si Cayetano kaugnay sa umano’y anomalya sa SouthEast Asian Games na ginanap sa bansa noong 2019.
