dzme1530.ph

LABING APAT KATAO, PATAY SA PAGSABOG SA IMBAKAN NG MGA ARMAS SA SYRIA

Loading

Hindi bababa sa labing-apat ang nasawi sa pagsabog sa isang pansamantalang imbakan ng mga armas at mga natirang gamit sa giyera, malapit sa Sarmada, isang lungsod sa probinsya ng Idlib sa Syria.
 
Sa ulat ng state television, labing-isang indibidwal ang nasugatan din sa pagsabog, na nagresulta ng sunog at makapal na usok sa lugar.
 
Sinabi ng Defence Ministry ng Syria na ilan sa kanilang mga tauhan ang nasugatan sa naturang pagsabog.
 
Wala pang ibinibigay na paglilinaw ang mga awtoridad sa sanhi ng pagsabog, subalit ang mga ganitong pangyayari ay karaniwan na sa Syria.

About The Author