![]()
Nagbabalik si Calvin Oftana sa Gilas Pilipinas, upang kumpletuhin ang final 12 ng pambansang koponan para depensahan ang gold medal sa 2026 Asian Games sa Japan.
Kinumpirma ni Gilas Head Coach Tim Cone ang pagbabalik ni Oftana, kung saan tinukoy niya ang pagiging pamilyar ng TNT guard sa kanyang sistema matapos maging bahagi ng matagumpay na kampanya ng team sa Hangzhou, China, at sa iba pang mga nakalipas na FIBA tournaments.
Si Oftana na huling naglaro para sa Gilas sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Marso, ang nag-iisang natira mula sa dating Asian Games squad.
Makakasama niya sa bagong bihis na lineup ang TNT teammate na si Brandon Ganuelas-Rosser at NLEX star Robert Bolick.
Kasama rin sa team sina Adrian Nocum, RJ Abarrientos, Don Trollano, Sedrick Barefield, Zav Lucero, Brandon Bates, Jerrick Ahanmisi, Justin Arana, at Justine Baltazar.
