dzme1530.ph

UAAP, MAGPAPATUPAD NG BAGONG RESIDENCY RULE PARA SA ‘ONE-AND-DONE PLAYERS’

Loading

Magpapatupad ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP) ng bagong rule para sa “one and done” athletes simula sa susunod na season.

Inanunsyo ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pagbabago sa Season 89 press conference sa Novotel Manila, kahapon.

Simula sa Season 90, ang mga “one and done player” ay kailangang mag-sit out ng isang taon para sa residency.

Ipinaliwanag ni Saguisag na kapag lumipat ang sinumang atleta na grumadweyt mula sa alinmang unibersidad, ay kailangang mag-sit out ng isang taon.

Bago ang bagong rule, ang “one and done” players na grumadweyt mula sa ibang university o college sa labas ng liga ay agad pinapayagang sumabak sa UAAP, basta pasok sa age of eligibility.

Halimbawa ng “one-and-done” athletes sa liga ay sina Quentin Millora-Brown ng University of the Philippines; Dominic Escobar, Kymani Ladi at Jaden Lazo ng Ateneo de Manila University; pati na sina Jamie Malonzo at Lian Ramiro ng De La Salle University.

About The Author